Gay pastor sa Malaysia ikakasal sa kabaro

NAKATAKDA nang ikasal ang kauna-unahang pastor sa Malaysia na umaming bakla sa kabaro rin nito sa kabila ng matinding pagkondena sa kanya.

Nabatid na isasabay ni Ouyang Wen Feng, co-founder ng gay-friendly Christian church sa Kuala Lumpur, ang kasal nila ng partner na si Phineas Newborn III, sa independence day ng Malaysia na gagawin sa New York.

Base sa pahayag ni Ouyang, mahalaga sa kaniya na maisabay ang kaniyang kasal sa independence day ng Malaysia na mayoriya ng mga mamamayan ay Muslim.

Sa Malaysia, walang kumikilala sa same-sex marriage dahil itinuturing pa rin itong taboo kung saan ang mga homosexual sa kanila ay pinarurusahan sa pamamagitan ng paglatigo at 20 taong pagkakakulong.

“I am not promoting homosexuality or gay culture but honesty, love, justice,” ayon kay Ouyang.

Noong 2006 nang umamin si Ouyang na isa siyang bakla at ngayon ay sa New York na nananatili bilang propesor at pastor.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply