Gerald nagpaparamdam kay Sarah Geronimo

NASA busy mode na naman ang mag-asawang Carlo J. Capras at Donna Villa. The other night, nagpatawag sila ng press para sa merger ng Viva Films at si Direk Carlo J.

Yung limampu sa walong daang nobela nmi direk Carlo ay kinuha lahat ng Viva Films at yun ay ipo-produce nila bilang magka-partner. Gusto sana ni Boss Vic ay bilhin ang mga nobela but instead, they opted na mag-sosyo na lang sila sa negosyo. Kung ‘yung galing nga naman ni Direk Carlo at ang management expertise ng Viva Films ay pagsasamahin, naturalmente, equals nga isang matagumpay na venture sa business.

Naniniwala si Donna Villa pati na sina Carlo at Boss Vic na sa pagtutulong-tulong nila, they can churn out projects week after week.

At siyempre, kasama rin sa kanilang merger ang dalawang anak nina Donna at Carlo. Sila sina CJ at Peach. Puwede kasing artista ang dalawang anak nina Carlo J at Donna kaya nga tipong parang contract star na rin sila sa Viva Films.

Welcome na welcome naman kay Boss Vic ang dalawa at patungkol dito ay napakaganda ng sinabi niya.

“Pamilya na kami dito sa Viva Films. Kasama na’ng buong pamilya nina Carlo at Donna, we welcome them, kami rito ay magtutulung-tulong para sa isang matagumpay na partnership.
So there!

***

Ikinagulat ng lahat ang pagsipot ni Sarah Geronimo sa presscon kahapon na ginanap sa restaurant ng ABS-CBN. Ang imbitasyon kasing natanggap ng press ay para kay Vice Ganda pero sa halip, VTR lang niya ang ipinakita saying na hindi siya makakarating.

Kumbaga, inisnab ni Vice Ganda ang sariling presscon.

At this point, tinawag na si Sarah para sa presscon proper kaya nagtatanungan ang lahat kung para saan ba talaga ang presscon.

Habang nakasalang sa Q&A si Sarah, inanunsyo niya na may bagong nagpaparamdam sa kanya sabay tawag kay Gerald Anderson.

Saka pa lang naging malinaw na ang presscon ay para sa Globe endorsement. Sama-sama sina Vice, Sarah at Gerald sa pag-e-endorse ng bagong promo nito na SuperUnli All Text 25. Gerald is the newest endorser at timing naman dahil kinumpirma rin nila ni Sarah na talagang may gagawin silang pelikula together.

So, it turned out na part of the script lang pala ang sinabi ni Sarah na nagpaparam -dam si Gerald dahil nang uriratin tungkol dito, lumabas na magkaibigan lang talaga sila.

Ayon pa kay Gerald, sa ngayon, natutulog pa ang puso niya at hindi raw kailangang pilitin ang mga bagay-bagay sa kanila ni Sarah.

Samantala, ang explanation naman ng taga-Globe na si Charo sa hindi pagsipot ni Vice sa presscon, may interview raw kasi ito sa U.S. Embassy at pati nga raw sa Showtime, nag-absent ito dahil sa naturang commitment.

Pipilitin daw sana ng comedian-TV host na makarating, pero sila na raw ang nagsabi na kung hindi kaya, okay lang.

Sa nasabi ring presscon, natanong si Sarah kung ano ang reaksyon niya na nasa Top 5 celebrity endorsers siya at napa-‘wow’ ang Pop Princess na tila hindi makapaniwala.

“Wow! Top 5?” paniniguro pa niya. “Ay, thank you naman po,
I’m elated to know that I made it to the list, at ayun, sobra po akong thankful sa mga endorsement ko, sa pagtitiwala nila sa akin, thank you, thank you.”’

Napa-wow din si Sarah nang matanong kung totoong gagawa sila ng movie ni Nora Aunor pero aniya, hindi, ngayon lang niya ito narinig.

“Pero it will be a dream come true po na makatrabaho ang Superstar. Actually, nagki -ta po kami ni Ms. Nora sa LA (Los Angeles),” dagdag pa niya.

May tsismis ding gagawa siya ng movie with Megastar Sharon Cuneta at ’yun daw ang narinig niya although wala pa raw confirmation siyang natatanggap mula sa kanyang manager tungkol dito.

Kagagaling lang ni Sarah sa U.S. kung saan ay three weeks daw siyang nag-aral ng dancing and singing.

“Actually, hindi nga po masyadong nakapagbakasyon talaga, araw-araw po kasi ang aking lessons. Pero wala namang ano, hindi naman ’yung sa formal school talaga ako nag-aral, parang one-on-one lessons po,” pagdedetalye niya.

Iba raw ang teacher niya sa pagsasayaw at iba rin sa singing. Gusto lang daw niyang lumawak pa ang kaalaman niya sa kanyang craft kaya nag-take siya nito and at the same time, para malaman kung paano ba ang turo roon.

“Pampa-boost lang po ng self-confidence,” she said.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply