German national namatay dahil sa pagkakadulas

UNTI-UNTING nilamon ng panghihina ng katawan hanggang sa tuluyang mamatay na ang isang German national matapos na madulas lamang mula sa Bahrain Airport patungong Pilipinas.

Binawian na ng buhay sa Manila Medical Center (MMC) si Werner Adolf Nordotti, 56, may-asawa, electrician at tubong Osnadrick, Germany at pansamantalang nanunuluyan sa room 411–C  Aloha Hotel sa Roxas Blvd. Ermita, Maynila.

Sa report ni SPO3 Jerry Rivera, dumating sa bansa ang biktima kasama ang kanyang Filipinang asawa na si Rowena Nordotti noong linggo ng umaga (Agosto 28).

Ayon umano kay Rowena, nadulas ang kanyang mister sa airport sa Bahrain at nang tumayo ito ay nakaramdam na ng pananakit ng kaliwang bahagi ng kanyang katawan.

Nang makarating sila ng Maynila ganap na alas-6:00 ng hapon (Agosto 28) ay agad na dinala ni Rowena ang asawa sa San Juan de Dios Hospital ngunit pinauwi rin ito ng mga doktor.

Tumuloy naman ang mag-asawa sa nasabing hotel ngunit sa buong magdamag ay hirap pa rin ang biktima dahil sa nararamdamang sakit sanhi ng kanyang pagkakadulas kaya muling dinala ni Rowena ang asawa kinabukasan sa MMC kung saan ito nalagutan ng hininga.

Ang insidente ay ipinagbigay-alam na sa German Embassy habang inilagak naman sa Harold Funeral Parlor ang labi ng biktima.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply