Gilas demoralisado na

DEMORALISADO na umano ang Gilas Pilipinas dahil sa pagkawala ng ilang key players para lumahok sa Philippine Basketball Association (PBA).

Ito rin umano ang dahilan kaya ilang beses nang naantala ang praktis ng grupo para sa FIBA-Asia Championship na magsisimula na sa Sept. 15 sa Wuhan, China.

Idinahilan naman ni head coach Rajko Toroman na habang si Ranidel de Ocampo ng Talk N’ Text ay sasali na sa scheduled practice ng PBA teammates niya, sina Jimmy Alapag at Kelly Williams naman ay kasalukuyan pang nagbabakasyon.

Sina Alapag at Williams binigyan umano ng pagkakataon na makapagpahinga matapos ang PBA Governors Cup campaign nila na tumapos sa mapait nilang pagkatalo sa Game 7 kontra Petron Blaze sa finals.

Nabatid na kung hindi umano dahil sa schedule ng dalawa sa Texters ay dapat nakasama na sina Alapag, Williams at de Ocampo sa praktis nila sa Gilas.

Kapag wala ang tatlo ay tiyak na hindi makakalaro ang grupo at lalo itong mapipilayan sa pagkawalan ng mga dati at orihinal na players ng Gilas.

Sina JV Casio, Mac Baracael, Marcio Lassiter, Mark Barroca, Chris Lutz, Dylan Ababou at Jason Ballesteros ay tatahak na kasi sa ibang landas nang magpalita sa PBA rookie draft.

Una rito ay kumalas na rin si Air21’s Dondon Hontiveros sa grupo dahil umano sa lagi itong pagod.

“Despite some distractions and various concerns simultaneously affecting the team, we are positive that we can achieve our goal for the FIBA-Asia Championship this September through coach Rajko’s leadership,” pahayag naman ni Chris Tiu na mananatili pa rin sa team hanggang sa susunod na dalawang taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply