Gilas nilayasan ni Casio

TULUYAN nang tinalikuran n JV Casio ang Gilas Pilipinas para lumahok na rin sa PBA Annual Rookie Draft matapos makahabol sa deadline.

Ang pagkakapasok na ito ng shooting guard na nagpanalo sa La Salle sa last UAAP men’s basketball championship noong 2007 ang maaaring maglagay sa kanya sa top pick.

Sisimulan ang pilian sa August 28 event sa Robinsons Place Manila kung saan maaari siyang makapasok.

Ayon kay Powerade coach Bo Perasol, itinuturing din nilang isang hot prospect si Casio at kasama ito sa mga pagpipilian sa 36 players na nag-apply sa rookie draft.

Huhugutin ng Tigers ang No. 1 pick.

“Well, there’s no question that we need to fill the guard spot,” wika ni Perasol. “So Casio is definitely a strong contender. He is one of the best talents out there.”

Balita ring lalayas sina Gilas stars Marcio Lassiter, Mac Baracael, Mark Barroca, Chris Lutz, Dylan Ababou at Jason Ballesteros.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply