Gilas pipiliting talunin ang Japan

UPANG makapasok sa semifinals, kailangan magpakitang gilas ang Smart Gilas Pilipinas sa kanilang dalawang huling laro sa elimination round ng nagaganap na William Jones Cup sa Hsinchuang Stadium sa New Taipei City.

Kasalo sa third to fifth place ang Nationals na may 3-2 win-loss slate matapos silang matalo sa South Korea, 70-78  kagabi.

Nasa top spot ng team standings ang S. Korea 5-0, pangalawa ang Taiwan, (4-1 panalo-talo karta) habang kapareho ng baraha ng Smart Gilas ang Jordan at defending champions Iran.

Makakaharap ng Smart Gilas bukas, ang Japan at ngayong hapon naman magsasalpukan sa basketball court ang Nationals laban sa wala pang panalong United Arab Emirates.

Nahirapang pigilan ng Nationals ang 6 foot 7 Korean power forward Oh Se Keun at 7′ 3 Ha Seung Jin na tumikada ng 19 at 16 puntos ayon sa pagkakasunod subalit ayon kay Smart Gilas coach Rajko Toroman ay malaki sana ang tsansa nilang manalo kung hindi lang na foul trouble si Marcus Douthit.

“The small referee made a crucial call and put Marcus out of the game,” naiinis na pahayag ni Toroman. “I changed him because of the bad call, they changed the game and Korea made the crucial run. Very, very bad referees and the level of refs are terrible, can’t follow the level of games internationally.

Ang refering tinutukoy ni Toroman ay ang Malaysian ref na isa sa mga referee sa controversial Taipei-Jordan game.

Bumanat si JV Casio ng game-high 27 puntos, kabilang ang 15 point na ibinuslo sa third quarter nang maibaba ng Nationals ang 12-point deficit mula sa dalawang puntos.

Nalasap ng Nationals ang ikalawang kabiguan, nauna dito ay ang laban nila sa Jordan, 72-76.

Ang mga biniktima ng Nationals ay ang Iran, Chinese Taipei at Malasia.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply