Ginang inutas sa harap ng ka-live-in

PATAY ang 27-anyos na ginang matapos pasukin at pagbabarilin ng “lone gunman” sa loob ng kanilang bahay Antipolo kaninang madaling-araw.

Kinilala ni Antipolo City chief of Police P/Supt. Rodino Elfa ang biktima na si Diane Nahine, ng Purok Tagumpay, Brgy. Bagong Nayon, ng nasabing lungsod.

Tumakas naman ang hindi pa kilalang salarin matapos masigurong patay ang biktima bitbit ang baril na ginamit sa biktima.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 1:26 ng madaling-araw sa loob ng bahay ng biktima kung saan ay mahimbing na natutulog kasama ang live-in partner na si Ricky Danao, 29, welder.

Nabatid na habang nasa kasarapan ng tulog ang dalawa ay biglang sinipa ng suspek ang pintuan ng mga biktima at nang makapasok ay sunod-sunod na pinaputukan ang babae na ikinabigla naman ng kinakasama nito.

Gayunman, laking pagtataka nito nang hindi siya sinaktan at mabilis na tumalilis ang suspek.

Hinala ng pulisya isa na namang kaso ng “love triangle” ang naganap na pamamaslang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply