Ginugulo ako ni Pacman — Mayweather

GALIT na nagpahayag ang kampo ni Floyd Mayweather, Jr. na dahil sa defamation suit na isinampa ni Manny Pacquiao laban sa kanya kamakailan ay nagugulo ang kanyang training para sa laban niya kay Victor Ortiz ngayong Setyembre.

Lumabas ang pahayag na ito ni Mayweather bagama’t ang naturang kaso ay nabasura na rin ng kampo ni Pacquiao nitong unang Linggo ng Agosto.

Ilang beses kasing lumiban si Mayweather sa hearing at tumanggi rin itong lumutang kung saan idinahilan niya ang kanyang pagsasanay.

Subalit nabasura man, inamin ng kampo ni Pacquiao na kasinungalingan ang mga pahayag ni Mayweather na abala ito sa training niya.

Ito’y dahil nakikita ito ng media na dumadalo sa dalawang events sa Atlanta nightclubs na isa na rito ang pagsunog niya ng hundred dollar bill sa harap ng maraming tao.

Maraming negosasyon na ang isinagawa laban sa dalawa ngunit kalauna’y nagbago ang lahat si Mayweatrher ay kay Ortiz na haharap—habang kay Juan Manuel Marquez naman si Pacquiao.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply