Girian nina Sotto, Pangilinan lalong umiinit

GUSTO ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III na pananagutin si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa pakikilahok sa pagtatago ng katotohanan sa kasagsagan ng canvassing sa resulta ng 2004 presidential election.

Ngunit, kaagad pinabulaanan ni Pangilinan na may kiinalaman siya sa naganap na dayaan sa pagsasabing  “malinis ang kanyang konsiyensiya” dahil walang nakakakumbinsing ebidensiya upang tugunan ang reklamo ng oposisyon.

“Dapat managot lahat, kaya ako natutuwa rito sa imbestigasyon, kaya nga sabi ko this investigation should continue, it should be consistent and tapusin natin ito,” ayon kay Sotto.

Ibinasura din ni Sotto ang pananaw ni Pangilinan na dapat Presidential Election Tribunal (PET) ang may kapangyarihan na dinggin ang reklamo ng oposisyon noon na sinusuportahan naman ni Sen. Franklin Drilon na bumalik sa source document, ang election returns.

Ayon kay Sotto, may kapangyarihan ang komite ni Pangilinan na magsagawa ng sariling desisyon sa ilalim ng Article 7 ng 1987 Constitution at magbukas ng isang ER na isang isyu ng open principle and common sense.

“As  I said the Article 7, Section 4 of the Constitution is clear, the determination of the authenticity is within the power of national canvassing board. The Supreme Court or the PET is if there is a protest, pagkatapos na ng canvassing at magpo-protesta ka dun ang pasok ng SC.” Paliwanag ni Sotto.

“It brings back painful memories, then I have heard a statement coming from personality na that should have been there in 2004 and stood up for what is right and what is correct pero hindi, tumulong pa sila para hindi lumabas ang katotohanan pagkatapos bigla akong makakarinig nang nagmamalinis, parang gustong maghugas kamay at parang ika-nga eh, parang sila pa ang dapat na tumulong sa papel ngayon,” dagdag pa ni Sotto.

Ngunit, para naman kay Pangilinan na wala siyang kinalaman sa dayaan noong 2004 dahil pinagbasehan sa desisyon ng komite ang batas at dokumento na isinumite at inihain ng Commission on Elections (Comelec).

Sinabi pa ni Pangilinan na alinsunod sa Rules ng komite ang lahat ng kanilang desisyon at ibinasura din ni Senate President Juan Ponce Enrile noon bilang presiding officer ng National Board of Canvassing ang rkeamo ng oposisyon,  at saka inaprubahan ng Kongreso.

“I have nothing to hide.  What we did then in our committee was approved by the Board, the Congress,” ayon kay Pangilinan.

Samantala, sinuportahan naman ni Drilon ang pananaw ni Pangilinan hinggil sa reklamo ng oposisyon noon na siyang sinalungat naman din ni Sen. Francis “Chiz” Escudero.

Ayon kay Drilon, walang kapangyarihan ang komite ni Pangilinan na magbukas ng ER kundi ibinigay ang karapatan na ito sa PET.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply