UPDATE: GMA inooperahan pa

ILANG oras na ang nakaklilipas nang magsimula ang panibagong operasyon ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa St. Luke’s Hospital sa Taguig.

Ang operasyon ay tatagal ng limang oras at pagkatapos ay agad na inilipat si Arroyo sa intensive care unit (ICU) upang matutukan siya.

Ang panibagong operasyon ni Arroyo ay matapos na makita sa X-ray kahapon na nawawala o na-dislocate ang titanium implant sa kanyang cervical spine.

Ayon sa mga doktor, kapag hindi naayos ang na-dislocate na implant ay magkakaroon ng mas malalang problema si Arroyo.

Inaasahang ilalabas ang panibagong medical bulletin anumang oras mula ngayon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply