GMA isasalang sa emergency surgery

ISASALANG sa emergency surgery si dating Pangulo, ngayon ay Pampanga Representative Gloria Arroyo bukas sa St. Luke’s, Global City.

Matatandaan na kanina ay tumagal sa pagamutan si GMA nang ireklamo nito ang pagkawala ng kanyang boses matapos ang kanyang operasyon sa gulugod ng leeg isang linggo na ang nakararaan.

Kaninang umaga ay nagtungo sa St. Luke’s si GMA para sa kanyang check-up sana pero tumagal ang kanyang pananatili sa pagamutan hanggang ngayong gabi nang ireklamo nito ang pagkawala ng kanyang boses.

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply