GMA kakasuhan ni Koko sa 2007 poll fraud

KAKASUHAN ni Atty. Koko Pimentel si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sakaling ituro ng mga lumutang na whistleblowers na may kinalaman sa sinasabing dayaan noong 2007 senatorial elections.

Sinabi ni Pimentel na hindi siya magdadalawang isip na asuntuhin si Arroyo sakaling pangalanan ng mga lumutang na testigo na sina dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan at dating elections supervisor Lintang Bedol na tahasang isiniwalat ang anomalya sa 2004 at 2007 elections.

Kasunod nito, hinimok ni Pimentel ang pamahalaan na seryosohin ang pagsisiwalat nina Zaldy at Bedol at huwag balewalain dahil lamang sa pagkakasangkot ng pamilya Ampatuan sa Maguindanao massacre.

Ayon pa kay Pimentel, maaaring makatulong ang mga testimonya  ni Bedol at Zaldy upang matukoy kung sino ang mastermind sa dayaan sa 2004 at 2007 elections.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply