GMA kinakarma — Trillanes

MAS matindi ang parusa ng karma o gaba sa bisaya, kaya pabalik-balik ng St. Luke’s Medical Center si dating Pangulo, ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na nagkakaproblema sa kanyang leeg.

Ganito ang paniniwala ni Sen. Antonio Trillanes sa pagsasabing hindi lamang sa kulungan pinarurusahan ang sinumang nagkasala sa mamamayan, kundi naniningil din ang Dakilang Lumikha sa kalusugan tulad nang dinadanas ngayon ni Arroyo.

Ayon kay Trillanes na tila sinusuwerte pa ang dating Pangulo dahil sa hindi pa ito nakukulong kahit anim na plunder case na ang kinakaharap nito, tila kinakarma naman ito ngayon dahil sa pagbabalik-balik niya sa St. Lukes Medical Center dahil sa problema sa kanyang cervical spine.

“Sabi ko nga, ang punishment kasi hindi lang naman yan through the criminal justice system eh. May gaba tayong tinatawag and we Filipinos believe in that- na hindi mo kailangan makulong sa kulungan in order to be punished,”ani Trillanes.

Kalimitang ginagamit ng gma bisaya ang salitang ‘gaba,’ katumbas ng karma sa tagalog.

Nitong nakaraang linggo,  muling ipinasailalim sa emergency surgery ang dating Pangulo sanhi ng kumplikasyon ng unang operasyon ng kanyang cervical spine nitong Hulyo.

Nilinaw din ni Trillanes na hindi niya pinag-iinitan ang dating First Couple dahil lamang sa nakulong siya ng pitong taon sa ilalim ng administrasyong Arroyo sanhi ng kasong mutiny.

Aniya, walang karapatan sina dating Pangulong Arroyo at dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo na persecution na ang ginagawa sa kanila ng administrasyong Aquino at ng kaalyado nito sa Senado dahil hindi naman sila mga inosenteng tao kundi mga taong gumahasa sa pondo ng taumbayan.

“Persecution only applies to people who are innocent – iniipit ka dahil kalaban ka, not necessarily dahil nagkasala ka,” paliwanag ni  Trillanes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply