GMA nasa watchlist na

IKINALUNGKOT ng dating pangulo, ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang walang tigil na panggigipit ng kasalukuyang gobyerno laban sa kaniyang pamilya.

Sa panayam kay Atty. Raul Lambino, ang legal spokesman ng former president, sinabi nito na nakarating na sa dating pangulo ang ipinalabas kahapon na watchlist order ng Department of Justice (DoJ) laban sa kaniya.

Ayon sa abogado, labis umanong ikinalungkot ng former president ang ginagawang paninikil sa kanilang pamilya ng kasalukuyang administrasyon.

“Nakarating na po sa kaniya ang tungkol sa watchlist order ng inisyu laban sa kaniya ng Department of Justice. Siyempre, hindi po siya masaya kung bakit sini-single out ang kaniyang pamilya,” giit ni Lambino.

Sa ngayon umano ay hinihintay pa ng mga abogado ni Arroyo ang kopya ng order ng DoJ para mapag-aralan ang gagawing hakbang laban dito.

Samantala, bukas ay inaasahan naman ang pagharap sa Senado ni dating First Gentleman Mike Arroyo kaugnay sa imbestigasyon hinggil sa nabunyag na maanomalyang bentahan ng helicopters sa Philippine National Police (PNP).

Si Ginoong Arroyo ang tinuturong dating may-ari umano ng dalawang choppers na binili ng PNP sa halagang brand new.

Una na ring itinanggi ng dating unang ginoo ang nasabing alegasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply