GMA ooperahan dahil sa marupok ang buto

MULING ooperahan si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa susunod na linggo, ayon kay Dr. Juliet Cervantes, ang attending physician nito.

Si Dr. Cervantes ng St. Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig City ang nagpahayag ng pinakahuling medical bulletin ng mambabatas.

Sinabi ni Cervantes na nakontrol na nila ang impeksyon na epekto ng unang operasyon sa cervical spine ng dating Pangulo.

Matatandaang nagsagawa ng emergency operation kay Gng. Arroyo noong ika-5 ng Agosto matapos mawala sa posisyon ang inilagay na titanium implant sa kanyang spine.

Ngunit natuklasan nila na hindi lamang ang impeksyon ang dahilan kung bakit natanggal ang implant. Ani Cervantes, marupok na ang buto ni Gng. Arroyo dahil sa mababang calcium level nito.

Sa ngayon ay pinapainom na ang mambabats ng calcium supplement at iba pang bitamina pero patuloy pa rin ang antibiotics.

Gayunman, inihayag ni Dr. Brian Cabral, head ng Renal Diseases and Transplant Services ng nabanggit na pagamutan na ayos na ang level ng calcium ni Arroyo.

Nasa critical care unit pa rin ng ospital si Arroyo at limitado lamang ang nakabibisita dito gaya ng malalapit na kapamilya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply