GMA pinayagan ng House leadership na magpagamot abroad

SINANG-AYUNAN ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na makapagpagamot sa ibang bansa si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi ni Belmonte na hindi siya kokontra kung kailangang dalhin sa abroad si Arroyo upang doon makakuha ng mas mahusay na medical treatment.

“There is no reason to stop her in getting best doctors,” ani Belmonte.

Kasabay nito ay personal na nagparating si Belmonte ng pangungumusta kay Gng. Arroyo sa pamamagitan ng kanyang anak na si Camarines Sur Rep. Dato Arroyo.

Subalit base sa pinakabagong medical bulletin ni Arroyo na inihayag ni Dr. Juliet Gopez-Cervantes ng St. Luke’s na hindi pa naman kailangang dalhin sa abroad ang dating pangulo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply