Gobyerno, AFP positibo sa MILF peace talk

NGAYON pa lang ay umaasa ang gobyerno, maging ang Sandatahang Lakas na magiging positibo ang gaganaping usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Government Peace Panel at ng Moro Islamic Liberation Front.

Ito ay kasabay ng pagtiyak ng MILF  na tutugunan nila ng katapatan ang senseridad ng Philippine government, sa harap ng pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng dalawang partido.

Ayon sa Malakanyang, mataas ang kanilang pag-asa na magiging mabunga ang resulta ng gagawing peace talks na pasisimulan  sa Kuala Lumpur, Malaysia bukas ng umaga.

Sa panig naman ni MILF  vice chairman for political affairs Ghadzali Jaafar, mahalaga ang paghaharap dahil dito ihahain ang mga panukala ng magkabilang panig.

Sa pahayag naman ni MILF spokesman Von Al-Haq, “Inaasahan natin na magkaroon ng magandang bunga ito, sapagkat ito ay para sa lahat, tayo ang makikinabangang sa kapayapaan,” ani Al-Haq.

Kabilang sa mga inaasahang tatalakayin sa exploratory talks ay ang kaso ni MILF rogue leader Ameril Umbra Kato.

Pero ayon kay Al-Haq, mayroon ng malinaw na posisyon dito ang kanilang grupo at ito ay kanila umanong ihahayag sa government peace panel sa tatlong araw na pag-uusap.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply