Gov. ER Ejercito nakahalikang pareho sina Nora Aunor, Carla Abellana

TOTOO pala ang balitang pumayag na rin si Carla Abellana na makipag-kissing scene kay Gov. ER Ejercito. Gayundin ang Superstar Nora Aunor ay may kissing scene sa butihing gobernor ng Laguna. Kasi, dalawang movie ni Gov. ER ay si Carla ang isa sa kanyang leading ladies.

Kinunan ito last Monday, Aug. 8, sa simbahan sa Cavite. Wedding scene nina Nora at Gov. ER at natural lang na may halikan pagkatapos ng kasal.

Unang makaka-partner ni Gov. ER si Carla sa “Kingpin” (dating Asiong Salonga) bilang kanyang original wife. Siyempre, pag mag-asawa ay may halikang magaganap.

Ani Gov. ER: “Sa wedding lang namin ni Carla ay may kissing scene na kami.”

Pangalawang makakahalikan ni Gov. ER si Carla sa movie na “El Presidente,” kung saan first wife niya si Carla bilang si Juliana del Rosario.

Namatay agad si Juliana, kaya sa edad na 60 ni Gen. Aguinaldo ay nag-asawa siyang muli. Dito na pumasok sa buhay niya si Maria Agoncillo na gagampanan ni Ate Guy.

***

MASARAP panoorin ang “Iskul Bukol” dahil simula na ang panggugulo nina Jose Manalo at Wally Bayola sa Wanbol University. May iba’t ibang characters ang dalawa na kagigiliwan ninyo pag inyong napanood.

Pulis si Sergeant Adonis Chico Letaba (Wally) na naghahanap ng drug addicts at pusher. Umabot siya sa cafeteria ni Ms. Aning at nakita ang maraming mga pildoras ni Mr. Bing. Inakala niya na ito ang pusher.

Samantala, sa Wanbol University, dumating si Gaudencio Demet (Jose), isang lalaki na galit na galit sa chain texts dahil nagkaroon siya ng compulsion na ibato ang cell niya tuwing makatatanggap siya nito. Natanggal siya sa trabaho dahil dito. Kaya hinanap niya ang pinagmumulan ng chain texts, at umabot siya sa Wanbol University.

Nagpanggap siyang teacher sa chemistry at hinostage ang mga estudyante kasama ang nagkakagalit-galit na housemates na sina Sharon, Barbie, Chill, Easy at Helga.

May home-made bomb si Demet. Si Sgt. Letaba ang inaasahan na sasagip sa housemates. Pero may sariling diskarte din sina Itor, Mr. Bing, Ms. Aning, Pet at Rude.

Paano maililigtas sa tiyak na kapahamakan ang housemates at mauwi na lang ang lahat sa tiyak na tawanan? Abangan sa ISKUL BUKOL pagkatapos ng “The Sisters.”

***

NAKALOLOKA namang isiping taon na ang nakalipas nang mag-split sina JC Tiuseco at Maxene Magalona pero hanggang ngayon ay loveless pa rin ito.

Kaya ang mga entertainment press na dumalaw sa set ng “Sisid” sa Parañaque City ay nagkakaisang tanungin ang binata kung na-trauma ba siya sa past relationship niya?

Ani JC: “Di naman, kasi sandali lang kami ni Maxene na mag-on noon. Talagang pinili ko lang maging single dahil gusto ko talagang mag-concentrate sa acting career ko. Gusto kong walang makasasagabal sa akin pag nasa set ako o nagku-concentrate sa mga eksena ko.”

Totoo nga, mabibigat ang mga eksena niya sa Sisid. Parang bida-kontrabida siya sa mga eksena niya rito. Si JC ang habol nang habol kay Jackie Rice hanggang pagtangkaan pa niyang pagsamantalahan si Jackie sa isang eksena.

Lumalalim nang talaga ang acting ni JC. Iyan naman ang gustong role niya na laging challenging.

Natutuwa si JC na sa grupo ng Mercatel talents, tanging siya lang ang nabibigyan ng lead roles. Kasi, ang mga kasamahan niya roon karamihan ay mga Japanese-Brazilian. Kabilang dito sina Daniel Matsunaga, Fabio Ide at iba pa.

Tungkol sa pagsusuot ng trunks sa pictorial at pagpalabas na naka-trunks sa soap at pelikula ay hindi pa rin trip ni JC. Magagalit daw ang nanay niya.

Pero bulong ng isang mahaderang reporter na katabi namin ay may itinatago si JC na baka bumukol nagsuot siya ng trunks.

Conservative lang daw si JC. Super sexy si JC ngayon bilang hunk actor.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply