Granada sumabog sa Cotabato

ISANG granada ang sumabog sa isang residential compound sa Cotabato City, Sabado ng gabi , Agosto 6 ngunit wala namang napaulat na nasugatan.

Nabatid na sumabog sa loob ng isang residential compound na pag-aari ng isang nagngangalang Jesus ‘JV’ Martinez, bandang 7:40 p.m..

Naganap ang pagsabog malapit sa Savior Weapons and Tactics Security Agency na pag-aari rin ni Martinez.

Hinihinala ng awtoridad na si Martinez ang puntirya ng pagpapasabog.
Hindi naman malaman ang kinaroroonan ni Martinez.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply