Green Archers binigo ng Falcons

PINASADSAD ng Adamson Falcons ang La Salle Green Archers sa score na 66-58 sa ika-apat na baytang sa UAAP Mens Basketball Tournament sa Smart Araneta Coliseum noong Sabado ng hapon.

Sa kabila ng mababang porsyento 34.4 shooting ay naipanalo pa ng kopunan ni Coach Leo Austria ang Falcons tungo sa kanilang 4-2 win loss slate para pumantay sa Far Eastern University Tamaraw sa segunda pwesto na kasunod ng Ateneo Blue Eagles na tangan malini s na 6 win record.

Kinagat naman ng University of the East Red Warriors ang National University Bulldogs sa unang laro, 72-71 para sa kanilang una-unahang panalo kontra 6 na talo.

Nabigong masungit ng Bulldogs ang panalo ng sumblay si star rookie Ray Parks sa kaniyang dalawang free throws may 2.7 seconds ang nalalabi sa laro.

Sasakit ang ulo ni FEU Coach Bert Flores sa pagsabak ng Tamaraws sa Blue Eagles (6-0) ngayong hapon habang kakalas sa 2-3 record ang alin man sa UST Tiger at UP Fighting Maroons sa kanilang sariling banggaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply