Gwardiya huli sa baril at patalim

KULONG ang isang guwardiya matapos mahulihan ng baril at patalim sa loob ng mall sa Caloocan City, Miyerkules ng hapon, Agosto 10.

Nakilala ang suspek na si Monico Pajares, 46 ng M. Naval St., Navotas.

Sa ulat, alas-4 ng hapon, nakapasok ang suspek sa Victory Mall sa Monumento ng lungsod at habang nag-iikot ay napansin ng  isang guwardiya na nakabukol sa beywang ni Pajares.

Agad na tumawag ng pulis ang guwardiya at nang respondehan ay nilapitan ang suspek na hindi na pumalag.

Nakuhanan ng isang kalibre .45 at isang dagger ang suspek subalit walang maipakitang sapat na dokumento si Pajares na naging dahilan upang dalhin sa presinto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply