Habagat nagpapalakas kay ‘Mina’

PATULOY na nakaapekto sa Luzon at Visayas ang bagyong “Mina” sa kabila nang inaasahang paglabas nito ng Pilipinas sa Martes, Agosto 30.

Batay sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang malakas na hagupit nito ay dahil na rin sa epekto ng hanging habagat.

Nakataas din ang Gale Warning sa buong seaboard ng Luzon at Kanlurang bahagi ng Visayas.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga maliiit na sasakyang pandagat na mag-ingat sa pagpalaot bunsod ng mga malalakas na alon sa karagatan. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply