Hanging Habagat dahilan ng pag-ulan sa bansa

HINDI dala ng anumang bagyo kundi epekto ng hanging Habagat ang nararanasang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa tulad ng Metro Manila partikular kaninang madaling araw (Miyerkules, Agosto 31).

Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na patuloy ang pag-iral ng Southwest Monsoon na pinag-iibayo pa ng bagyong Mina na kalalabas lamang ng teritoryo ng Pilipinas at maging ng bagyong Talas na paakyat naman patungong Japan.

Ayon pa sa Pagasa, tatagal hanggang sa Biyernes ang manaka-nakang malakas na buhos ng ulan tulad nang naranasan kaninang madaling araw.

Asahan ang pag-ulan sa Northwestern Luzon partikular na sa Ilocos Norte hanggang Pangasinan.

Ang Metro Manila ay magiging maulan ng bahagya, pero magiging mainit at uulan sa bandang hapon o gabi.

Ang tinatayang agwat ng temperatura ay mula 25 hanggang 31 antas ng Celsius.

Magkakaron naman ng magandang panahon sa Visayas at Mindanao.

Ang natitirang bahagi ng bansa ay magiging bahagya hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat at pagkulog.

Samantala, nagbabala si Undersecretary Graciano Yumul ng Pagasa-DOST sa publiko na asahan na babayuhin ng tatlo hanggang apat na bagyo ang bansa sa Setyembre.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply