Harrassment sa babaing inmates ibinulgar

ISINIWALAT ngayon (Huwebes. Agosto 25) ni Gabriela Party-list Representative Emmi de Jesus ang umano’y pangha-harass sa mga babaing nakakulong sa PNP Headquarters Custodial Center.

Sa ginanap na budget hearing sa Kamara para sa Department of the Interior and Local Government (DILG), sinabi ni De Jesus na nakatanggap siya ng mga reklamo mula mismo sa mga detainee sa nasabing piitan hinggil sa pangha-harass ng ilang tauhan doon sa kanila.

Base sa mga isinumbong kay De Jesus, pilit umanong “pinauupo” ang mga babaing detinido sa tuwing nag-iinuman ang mga jail officer ng piitan.

Hiniling din ng mambabatas kay BJMP Director Rosendo Dial, ang hindi makataong “strip-searching” sa mga babaing bibisita sa Camp Bagong Diwa.

“The BJMP should look into the cultural implications of this procedure, especially on women and our Muslim sisters, because we all know that body covering is part of their culture. There is a dehumanizing element in this procedure even if the officer conducting it is also a woman,” ayon pa sa mambabatas

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply