Hazing sa police recruits sisiyasatin ng CHR

KINONDENA ng Commission on Human Rights ang panibagong kaso ng hazing sa mga bagong recruit na pulis sa Camp Eldridge sa Los Baños, Laguna.

Sinabi ni CHR Chairperson Loreta Ann “Etta” Rosales na hawak nila ang video na nagpapakita kung paano pinahirapan ng mga opisyal ng PNP ang mga bagong recruit na pulis na maaaring gamiting ebidensya laban sa mga responsable sa hazing.

Base sa ipinalabas na video ng CHR, ipinakita ang pagpapahirap sa mga police recruit gaya ng pagpapakain ng sili, pagpalo ng kahoy sa iba’t ibang bahagi ng katawan at pagpapahid ng katas ng sili sa maseselang parte ng katawan.

Ayon kay Rosales, masusi na nilang iniimbestigahan ang insidente ng hazing na isinagawa sa nasabing lalawigan.

Ipinaalam na rin ng ahensya sa Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP) at National Police Commission (Napolcom) ang pangyayari para sa kaukulang hakbang ng mga nabanggit na tanggapan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply