HDO kay Jovito Palparan inilabas na ng DoJ

ISINAILALIM na ng Department of Justice (DOJ) sa Hold Departure Order (HDO) si retired General Jovito Palparan dahil sa pagkakasangkot sa mga kaso ng extra judicial killings.

Ang kumpirmasyon ay ginawa ni Justice Secretary Leila de Lima sa pagtatanong ni Bayan Muna Representative Teddy Casiño sa ginanap na budget hearing.

Sinabi ng Kalihim sa mga kongresista na naglabas na ng HDO ang DOJ laban kay Palparan dahil sa mga kinakaharap nitong mga kaso na paglabag sa karapatang pantao.

Bukod kay Palparan, naisyuhan na rin aniya ng HDO para hindi makatakas ng bansa sina dating PAGCOR Chairman Efraim Genuino kasama ang kanyang mga anak na sina Erwin at Sherwin Genuino-Sy dahil sa mga akusasyon ng illegal na paggastos ng pondo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation.

Kinumpirma din ni de Lima ang inilabas na watchlist order laban kay dating pangulo at pampanga Rep. Gloria Arroyo,asawa nitong si Mike at dating Commission on Election (Comelec) Commissioner Virgilio Garcillano kaugnay naman sa alegasyo ng pandaraya sa eleksyon noong 2004.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply