Health centers sa Kyusi high-tech na

APRUBADO na ng Quezon City Council ang isang panukalang ordinansang magkakasa sa computerization ng mga health center sa siyudad.

Layunin ng ordinansang mai-computerize ang talaan ng mga pasyente upang mabawasan ang mahabang paghihintay sa pagkuha ng kanilang rekord.

Napapanahon din ang computerization ng mga rekord sa pagkuha ng kinakailangang datos at istadistika sa iba’t ibang uri ng sakit na kailangang bantayan kung sakaling magkaroon ng outbreak o epidemiya at mabilis na pagsusuri sa performance indicators para sa maagap na pagbibigay ng lunas.

Nakatakdang magsagawa ang tanggapan ni Konsehal Raquel Malangen ng informal training para sa mga medical officer at health workers sa anim na barangay health centers sa District 4 na kinabibilangan ng mga barangay tuad ng Kamuning, Tatalon, Kaunlaran, Pinyahan, San Isidro Galas at Doña Imelda simula sa ikaapat na linggo ng Agosto.

Ayon kay Malangen, isasailalim sila sa informal training o refresher sa paggamit ng computers bago ipamahagi ng kanyang tanggapan ang tatlong desktop computer sets sa bawat health center sa District 4 simula sa Setyembre.

Aniya, ang mabagal na proseso sa paglalakad o pagkuha ng dokumento ay hindi lamang problema ng mga ahensiya o tanggapan ng gobyerno kundi maging sa mga health center sa lungsod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply