Miriam suportado ni Evangelista sa RH Bill

SINUPORTAHAN ng aktres na si Heart Evangelista sa pagsusulong ng Reproductive Health Bill si  Sen. Miriam Defensor-Santiago sa pamamagitan ng pagdalo sa Senado habang ipinagtatanggol ng senador ang panukala.

Isa lamang si Evangelista na dumalo sa kauna-unahang privilege speech ni Santiago hinggil sa RH bill na may pinamagatang “Primacy of Conscience in Catholic Theology.”

Sa interview, sinabi ni Evangelista na patuloy siyang tutulong kay Santiago sa pamamagitan ng pagdalo sa mga sesyon ng Senado kapag tinatalakay ang RH bill hanggang maisabatas ang panukalang magbibigay proteksiyon sa kababaihan.

“I am her to support Sen. Santiago on the RH Bill because I believe it will help not only our country, but also women, specifically young women like me,” ayon sa aktres.

Umaasa si Evangelista na pakikinggan ng karamihan sa senador ang panawagan ng maraming sektor at indibiduwal na pagtibayin ang RH Bill dahil malaki ang maitutulong nitong proteksiyon sa katauhan ng isang kababaihan.

“Hopefully it will be passed into law, and I believed that would be very soon,” patapos ni Evangelsta.

Bukod kay Evangelista, sumuporta din kay Santiago si dating Tourism Secretary Gemma Cruz-Araneta at iba pang women’s group na dumalo sa sesyon ng Senado.

Sa kanyang privilege speech, sinimulan ito ni Santiago sa pamamagitan ng pagtalakay sa prinsipyo ng “primary of conscience: sa theolohiya ng Simbahang Katoliko, ang nangungunang kritiko ng RH Bill.

“Nahahati ang Pilipinong Katoliko sa isyu ng RH bill magtapos ganapin ang Vatican Council 2 noong 1972 hanggang 1965 na siyang nagpasimula ng rebolusyon sa moral theology.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply