High school teacher nagbigti, patay

NAGBIGTI ang isang 44-anyos na guro ng Rajah Sulayman High School, gamit ang kurtina sa loob ng kuwarto ng kanyang anak sa Tondo, Maynila Huwebes ng umaga.

Ayon SPO3 Dave Tuazon ng Manila Police District-homicide section, dakong alas-5:00 ng umaga ng matagpuan ang biktimang si Josephine Cravantes, residente ng Unit 401 NHA-MKG Dagupan Extension, Gagalangin Tondo, Maynila, ng kanyang mister na si Daniel.

Ginamit umano sa pagbibigti ng biktima ang kurtina na nakatabing sa pintuan ng kanilang kuwarto kung saan itinali sa hamba ng kanilang bahay.

Nabatid na nakagawa pa umano ng lesson plan ang biktiman bago ito natulog sa tabi ng kanyang mister.

Gayunman, kinaumagahan, laking gulat ni Daniel ng makitang nakabitin at wala ng buhay ang biktima.

Base sa nakuhang impormasyon sa ilang kasamahang guro, nakitaan nang kakaibang pag-uugali ang biktima mula nang umalis ang kanyang mister at nagtrabaho sa ibang bansa.

Isa umanong kasamahang guro ang sinabihan ng biktima na tatalon siya sa gusali kapag hindi siya sinamahang matulog sa bahay.

Gayunman, sinabi ni Daniel na wala naman siyang alam na motibo sa pagpapakamatay ng biktima.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya para alamin kung may naganap na foul play sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply