Hinaharas ng mga sundalo ang mga tao sa Zambales

GAANO ba katotoo  na “hinaharas” umano ng mga miyembro ng 24th Infantry Battalion ng Philippine Army ang mga residente ng Zambales?

Sa in-expose ng ating text tipster, sinabi ang mga ginagawang panghaharas ng mga militar sa mga tao.

Basta-basta na lamang pumapasok sa mga bahay ng mga residente ng Zambales ang mga sundalo kahit daw disoras ng gabi.

Ang siste pa, pag nanghaharas ang mga ito ay nagpapanggap pa sila na mga New Peoples Army.

Paano maniniwala ang mga tao sa mga sundalong ito, eh, ‘yung mga ginagamit nilang sasakyan pag nagpapanggap silang NPA ay iisa na van na kulay puti na walang plate number?

Tinatakot daw ng mga sundalo na ito ang lahat ng mga tao sa Zambales na tumututol sa mining.

Ano kaya ang masasabi nina AFP chief of Staff Gen. Eduardo Oban at Philippine Army chief Lt. Gen. Arturo B. Ortis sa ginagawang katarantaduhan ng kanilang mgar sundalo?

Basahin natin ang nilalaman ng reklamo na itineks sa atin.

Mensahe: Magandang gabi. Nais ko sana na ma-expose ang ginagawang harassment ng mga miyembro ng 24th IB ng Philippine Army dito sa mga bayan ng Zambales, kabilang ang  Sta. Cruz, Candelaria, Masinloc at Palauig, maging ang San Felipe. Pumapasok sila sa bahay ng alanganing oras sa gabi. Nagpapanggap pa na NPA.

Caloocan puno ng VK cop

Nilatag na sa lahat ng sulok ng Caloocan City ang mga videokarera (VK) ni alyas Sacho sa tulong ng isang malapit na kaibigan ni Mayor Recom Echiverri.

Malaki ang payola na ibinigay ng nasabing operator sa tanggapan ni Mayor Echiverri kaya nakapaglatag ng sangkatutak na VK si alyas Sacho.

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog @yahoo.com.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply