Hinay-hinay lang sa pagtataray sa press Ms. Judy Ann Santos

Bonggacious ang career lately ni Xian Lim. Apart from the fact that he’s the main character of the first kotse-serye of Studio 23 (Sparkda Trip) that premiered on national television last August 14, isa rin siya sa mga leading men ni Kim Chiu sa My Binondo Girl na eeksena na sa primetime slot ng Abs Cbn starting August 22.

Kunsabagay, with his erotic looks and impressive height (he stands six feet, two inches when barefooted), he’s the ideal leading man of today’s new wave of leading ladies like the alarmingly beautiful Kim Chiu.

Gagampanan ni Xian ang character ni Andy Wu, ang rival ng male character ni Kim na Yuan sa pagma-manage ng ChenJean.

Anyway, going back to Xian, he’s the epitome’ of what a leading man should be in the year 2011.

Articulate, stunning in a very masculine manner and the ideal leading man of any leading-lady since he’s tall enough and would never be dwarfed by the kind of very high, high-heeled shoes that most women of today favor tremendously.

Dati ay kay Erich siya nali-link and there were rife talks to the effect that they used to have an intimate kind of relationship but the fans of Erich and Enchong Dee prevailed and he was left floating for a while.

But Abs has come to notice his great potential as a lead actor and the rest is now history.

Welcome to the fold of five-star leading men Xian, you more than deserve it, boy!

Sa August 22 na nga pala ang pagbabalik ng primetime princess on national television.

***

Alam kong isa sa pinakamahuhusay na aktres sa ngayon si Ms. Judy Ann Santos.

On top of that, her kind of personality has wonderfully evolved into the kind of classy personality that she is today from her exceedingly humble beginnings.

Dati talaga, inasmuch as she hated the word baduy with a passion, ‘yun siya at wala nang iba pa.

Ang taba-taba naman kasi niya at parang siopao ang kanyang mukha, who would have the chutzpa to call her a veritably classy dame?

But through the years, it started actually when she got to meet Ryan Agoncillo who’s impeccably bred and a man of unquestioned culture and erudition so to speak, nagbago na ang kanyang taste sa pananamit at pagmi-make-up and she has suddenly become the classy dame that she is very much today.

‘Yun nga lang, kasabay ng kanyang classy image, nagbago na rin ang kanyang demeanor at naging haughty at distant siya sa press na hindi niya gusto.

Kumbaga, hindi lang sa klase ng pananamit siya nagbago kundi maging sa dealings with the working press as well.

Sa totoo, ang taray-taray ng pananalita niya sa presscon ng kanyang cooking show (na sana’y mag-rate naman) laban sa mga manunulat na nanglalait daw sa kanyang rolly-polly figure right after she gave birth to her son.

Puede naman sigurong sagutin niya ‘yun in a good manner at hindi ‘yung out-and-out uncouth and cavalier.

Sa totoo, hindi ‘yan ang Judy Ann Santos na nakilala ng publiko at maging ng wor- king press nu’ng nagsisimula palang siya sa industriya.

Porke ba’t madatung na siya at sikat na ay magbabago na siya ng diskarte?

Huwag naman. Kahit papano, nakatulong naman sa ‘yo no matter how small, ‘yung mga taong tinarayan mo to-the-max sa ‘yong well-attended presscon.

Come to think of it, without criticisms, you won’t be fuelled to really lose weight and go on a strict diet.

Matuto kang lumingon naman sa naitulong nila sa ‘yo at di ganyang parang pinakain mo sila sa ‘yong mga palad dahil never namang nangyari’yun dahil Kurina Pavlova ang beauty mo.

Of course your manager Mother Alfie Lorenzo has always been the paradigm of genero- sity from way, way back.

Bago palang ako sa industry, sharing galore na siya ng kanyang blessings kaya naman lagi na’y good karma siya.

That much I can say.

Period. Walang comma!

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply