Pautang sa OFWs hindi totoo — POEA

NILINAW ng pamunuan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA)  na hindi sila nagpapautang sa overseas Filipino workers (OFW).

Sinabi ni POEA administrator Carlos Cao Jr., na wala silang programa para rito kasunod ng pagkakaaresto sa isang hinihinalang fixer na umanoy nangongolekta ng bayad sa mga aplikante para sa POEA cash loan.

Ayon kay Cao, humingi ng tulong sa mga security ng POEA ang isang mag-asawa mula sa Zamboanga City matapos mabigo ang fixer na kinilalang si Ronnie Soner na ibigay ang hinihiram nilang halaga mula sa POEA.

Lumilitaw sa imbestigasyon na kumolekta ng P8,750 si Soner sa mag-asawa bilang “processing fee” para sa P30,000 loan na ire-release noon sanang Hulyo 20.

Ayon sa mga biktima, nag-aaplay sila ng loan sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) main office sa Pasay City noong Hulyo 12 nang lapitan sila ni Soner.

Kinumbinsi umano sila ni Soner na mas mabilis silang makakakuha ng loan sa POEA kaysa OWWA kaya napapayag sila nito.

Si Soner ay inaresto noong Hulyo 29 at dinala sa Mandaluyong City police office na sinampahan ng kaukulang kaso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply