Hindi lang dengue, kundi lagnat, leptospirosis, etc

SINUSUBAYBAYAN natin ang kalagayan ng kalusugan ng mamamayan sa tag-ulang ito.

Op kors nakayayanig  ang balita ukol sa dengue. Sa dami ng kinakapitan ng sakit na ito, hindi malayong lalagpas sa 300 ang masasawi rito ngayong taon.

Tandaan, mga lalawigan na ang nagdedeklara ng state of calamity dahil libo-libo na ang nagkakasakit nito.

Tinatayang hanggang buwan ng Setyembre naman ang pananalasa nang matinding sakit dahil kasagsagan pa ng ulan sa panahong ito.

oOo

Ang masama pa, marami na rin ang mga nagkakasakit  ng lagnat, leptospirosis at iba pang may kaugnayan sa tag-ulan pa rin.

Ang mga bata na pumapasok sa iskul ang nakikita nating natatamaan dito.

At alam ba ninyong naitataon pa sa mga eksam ang pagkakasakit ng mga bata?

Makaraang maginhawaan nang kaunti ang mga bata, doon sila tinutuluyan ng eksam ng mga dear teacher.

Siyempre, mahihina pa ang utak ng mga bata na galing sa mga sakit.

Eh kung babagsak ang mga ito sa eksam, ano-ano ang gagawin nina sir at madam, huh?

oOo

Nakikita natin ang malaking tulong ng mga pamahalaang barangay sa mga nagkakasakit.

Sina tserman, kagawad at mga barangay tanod ang nagtatakbo sa mga health center, klinika o ospital ng mga maysakit.

Pero makaraan nito, dumaraing sila dahil malaking gastos nga naman ang pagkakasakit ng kanilang mga nasasakupan.

Hindi naisasauli ang gastos nila sa gasolina sa traysikel o sa sariling sasakyan, nauubusan sila ng kahihingi ng tulong mga maysakit at kung ano-ano pa.

Mayor, Gob, Kong, paano ang mga pablik serbant na ito, huh?

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply