Hindi maka-bulls eye nagbaril sa ulo

UTAS ang isang gun shooter matapos magbaril sa sarili nang hindi ma-perfect ang pag-asinta sa target range sa Marikina City kahapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Joshua Bucad, alyas Joshua Canlas, tinatayang nasa 30 hanggang 35-anyos, naka-short at puting t-shirt.

Sa ulat, naganap ang insidente alas-3:00 ng hapon sa loob ng Armscor Shooting Range sa Brgy. Forune, Marikina City.

Sa record ng nasabing shooting range, dumating ang biktima at nagrenta ng baril na kalibre 45 at unang nagpaputok ng 10 bala sa bay #4.

Muli ay nagrequest ito ng 4 rounds ng bala ng baril at dahil sa may umukopa na sa dati niyang pinagpuputukan ay pinalipat na lamang siya ng range assistant na si Pacifico Mendoza sa bay #10.

Habang tinutulungan ng range assistant ang biktima para sa “proper gun safety” ay nagtanong umano ang biktima kung anong oras magsasara ang firing range na sinagot naman ng range assistant ng alas 5:00 ng hapon.

Muli umanong nag-request ang biktima na lagyan ng bala ang baril at habang inasinta-asinta ang target range katabi ang range assistant ay nagulat na lamang si Mendoza nang bigla siyang itulak ng biktima at iputok ang baril sa kanyang baba.

Bagama’t sabog ang utak ay pinagsikapan pang isinugod sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center ang biktima kung saan ideneklarang dead on arrival.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply