HK black alert sa Pinas hiling alisin

HILING ng grupong Tourism Congress na maging masigasig sa pagsusulong ng turismo sa bansa ang bagong ihahalal na pinuno ng Department of Tourism (DoT).

Kasunod ng pagbitiw noong nakaraang linggo ni Tourism Sec. Alberto Lim, inihayag sa Bombo Radyo ni Tourism Congress Vice President Jaime Cura na malaking hamon ang naghihintay sa sinumang hahalili kay Lim sa kagawaran.

“Kailangang humabol tayo sa ibang bansa. Ang Hong Kong, 20 million visitors sila taun-taon, sa Malayasia, 17 million. Ang Vietnam ngayon umaabot pumapasok na sila sa 6-7 million. Tayo, hindi tayo makalampas sa 4 million, hanggang 3.5 million lang tao. Malapit na nga tayong maungusan ng Cambodia,” ani Cura.

Sinabi pa ng opisyal na partikular din umanong dapat tutukan ng incoming tourism chief ang pagpapabango ng imahe ng Pilipinas sa Hong Kong.

Maalala na nagdulot ng lamat sa relasyon ng Pilipinas at Hong Kong ang naganap na Manila hostage crisis noong nakaraang taon, kung saan walong mga Hong Kong tourists ang nasawi.

“Hindi naman malaki ang kabawasan sa mga nagpupunta na mga Chinese visitors, pero dahil may official position sila, naka-blacklist tayo eh, so kailangang alisin iyon,” dagdag ng opisyal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply