HK survivor ‘di pinagbigyan sa hirit na apology

BIGONG babalik ng Hong Kong ang survivor at mga kaanak ng iba pang biktima sa Manila hostage incident nang tanggihan ng pamahalaan ang nais ng mga ito na paghingi ng apology sa pamamagitan ni Justice Sec. Leila de Lima.

Matapos ang pakikipagpulong ni De Lima sa mga survivor at kaanak ng mga biktima ng hostage incident, iginiit nito na hindi siya maaaring mag-offer ng apology dahil wala siya sa posisyon para humingi ng paumanhin.

Kaugnay nito, tiniyak ng kalihim na lahat ng napag-usapan sa kanilang pulong ay ipararating niya kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ipinaliwanag ng kalihim na matapos ang imbestigasyon ng Incident Investigation and Review Committee (IIRC) ay awtomatiko na silang nawalan ng kapangyarihan at ibinalik na ito sa Pangulo.

Kaugnay nito, sinabi naman ni James To Kun Sun, Hong Kong legislative councilor, na magkakaroon lamang ng closure sa isyu kapag naibigay ng pamahalaang Pilipinas ang mga hinihingi nilang demand sa gobyerno.

Kabilang sa mga demand ng mga biktima ay kompensasyon, formal apology mula kay Pangulong Aquino, pagpapabuti sa paglutas sa mga crisis situation at mapanagot ang mga opisyal ng pamahalaan na dahilan ng palpak na pagresponde sa crisis situation.

Umaasa naman ang mga survivor at pamilya ng mga biktima na magbabago ang isip ni Pangulong Aquino at sundin ang rekomendasyon ng IIRC at kasuhan ng criminal charges ang mga opisyal ng pamahalaan na nagkaroon ng kapalpakan sa pagganap ng trabaho.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply