Holdapan sa Guadalupe di masugpo ng kapulisan

PAANO kaya masosolusyunan ng mga alagad ng batas ang talamak na holdapan sa harap ng Chowking sa Edsa Guadalupe Makati?

Matagal na raw kasing  inirereklamo ng mga bystander sa pulisya ang talamak na krimen pero hanggang ngayon ni isang pulis ay walang nakikita sa nasabing lugar.

E paano nga naman mawawala at masusugpo ang talamak na holdapan sa nasabing lugar kung wala naman palang pulis na makikita sa nasabing lugar na ‘yan.

Ano kaya ang ginagawa ng hepe ng Makati Police  na si Supt. Jaime Santos sa opisina niya at bakit hindi niya maaksyunan ang talamak na holdapan sa nasabing lugar?

O baka naman ‘tongpats’ ang mga pulis niya sa mga nanghoholdap na holdaper!

Basahin ninyo ang nilalaman ng mga reklamo sa text message.

Sir Johnny. Gusto namin magpatulong kung papaano masusugpo ang talamak na holdapan sa harap ng Chowking sa Edsa Guadalupe, Makati na wala man lang tumutulong na mga pulis.

Kahit sumisigaw na ang mga nabibiktima ng mga holdaper dahil sinusuntok at tinututukan ng kutsilyo, walang pulis na makita.

Dapat palitan ang mga nakatalagang pulis, pati ang hepe nila dahil mga inutil sila.

Walang nahuhuling holdaper.

Sir, baka pwedeng paki-aksyunan ang problemang ito at kung sakaling may mahuli ay ipadyaryo lang para makapagsampa ng reklamo ang mga biktima.

Salamat Sir Johnny at sana ay maasahan namin ang tulong ninyo!

PULIS NINONG SA LOTENG SA RIZAL

Sa buong Rizal ay hindi na talaga nagpapaawat sa operations ng loteng ang magpakner na Romy Wa-way at Benjie na ang kanilang bangka ay itong si Mike Rosales.

Isang PO2 Nomer  Raymundo ng S2 ang pulis ‘protector’  ng magpakner kaya hindi magalaw ang kanilang lotengan sa Rizal. Aksyunan naman…

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply