Holdaper nanlaban sa sekyu ng Circle todas

PATAY ang isang holdaper makaraang manlaban sa security guard ng Quezon City Memorial Circle, Quezon City kagabi.

Ang suspek ay inilarawan ng pulisya na tinatayang 20 hanggang 25-anyos, naka-puting t-shirt, short pants, habang nakatakas naman ang kasamahan nito.

Ayon kay SPO1 Jun Barrameda desk officer ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit, naganap ang insidente dakong 9:45 ng gabi sa loob ng Quezon City Memorial Circle, QC Elliptical Road, Bgy. Central, kagabi.

Nabatid sa ulat ng pulisya na hinoldap umano ng mga suspek ang mga complainant na sina Mark Anthony Sioson, computer technician, Karen Medrano De Asis at Christopher De Vera habang namamasyal sa naturang parke.

Sinabi sa ulat na tinangay ng mga suspek ang pera, cellphone at kagamitan ng mga complainant dahilan para magharap ng reklamo ang mga ito sa security guard.

Agad naman rumesponde ang security guard ng parke na si Jesse Gabot  at tinugis ang suspek at nang maabutan ay nanlaban ang suspek dahilan para mabaril ito ng una habang nakatakas naman ang kasamahan nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply