Homerun Queen nilampaso si Flying Gee

UMAANGAT sa kinauupuan at walang kakurap-kurap ang mga mata ng mga karerista habang pinanonood ang dikdikang labanan nina top choice Homerun

Queen at second favorite Flying Gee kung saan nanalo ang una sa Three-Year-Old Conditions A-1-2 na ginanap sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite kagabi.

Hawak ng dehadong si Pure Joy ang bandera sa far turn habang nasa segundo puwesto si Homerun Queen na nirendahan ni many time Philippine Sportswriters Association, (PSA) jockey of the year Patty Ramos Dilema.

Papasok ng huling kurba ay kinukuha na ng winning horse Homerun Queen ang unahan habang si Flying Gee ay nakalapit na rin sa kanya.

Sa rektahan magkapatong na sina Homerun Queen at Flying Gee ng ginabayan ni class C rider JL Lazaro subalit ng pitikin ng latigo ni star jockey Dilema ang kanyang sakay ay bigla itong rumesponde upang tawirin ang meta ng may tatlong kabayo ang agwat.

“May lakas pa si Homerun Queen kaya ng paluin ko ay bigla siyang bumilis.” wika ni Dilema. “Magaling talaga tingin ko bitin pa siya at talagang gusto pa niyang tumakbo.

Omoras si Homerun Queen ng 1:22 minuto sa 1,300 meter race sapat upang ibulsa ang added prize na P20,000 na inisponsoran ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Sumegundo si Flying Gee habang tumersero at pumang-apat sina Pure Joy at Beyond Good ayon sa pagkakasunod.

Samantala, nasilat naman ang liyamadong si Go Army kay Indy Hay sa Special Class Divisions 18-17 na nilargahan sa unang race.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply