Honda Safety Riding Caravan

PATULOY na binabaybay ng Honda Safety Riding Caravan ang buong Luzon, umulan man o umaraw. Tatlong probinsya at dalawang siyudad na ang natunton ng Honda caravan sa buwan ng Agosto, kabilang na rito ang Tarlac, Nueva Vizcaya at Caloocan City.

Ang Honda caravan ay maituturing na isang mobile workshop kung saan ang mga rider ay tinuturuan ng tamang pamamaraan ng pagpapatakbo sa motorsiklo sa iba’t ibang panahon, kasama rin ang pagsuot at paggamit sa mga safety gear.

Ang Honda Philippines – Motorcycle safety riding team ay nagbibigay rin ng lecture para naman sa mga gustong matutong magmotorsiklo.

Bitbit rin ng Honda caravan ang ilan sa mga pinakabagong modelo ng Honda motorcycles at malugod na ipinapa-test drive sa mga nagnanais makaranas ng Honda experience. At lahat ng iyan, libre!

Abangan ang Honda Safety Riding and Learn to Ride Caravan sa inyong lugar!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply