Hontiveros pinalagan bilang OWWA chief

HINDI pa man nakakapuwesto, mahigpit nang tinutulan ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III na maupo bilang bagong administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) si dating Akbayan partylist representative Risa Hontiveros-Baraquel.

Ginawa ni Sotto ang pahayag matapos umugong ang balita na ang natalong senatorial candidate ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III noong 2010 elections ang iluluklok bilang bagong administrator ng OWWA.

Bagamat kinikilala ng senador ang prerogative ng Pangulo, duda naman ang mambabatas kung ano ang magagawa ni Hontiveros-Baraquel sa OWWA, partikular sa pangangalaga ng kapakanan at pamilya ng ilang milyong overseas Filipino workers (OFWs)

“May magagawa kaya siya doon? Goodluck na lang,” patutsada ng senador.

Nagpahayag naman ng kalungkutan si Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada sa napipintong pagsibak kay OWWA administrator Carmelita Dimzon lalo pa at maganda naman ang ginagawa nito lalo na sa OFWs na nagkaroon ng problema sa pagsiklab ng kaguluhan sa Libya, Egypt at iba pang bansa sa Gitnang Silangan.

Si Hontiveros-Baraquel ang isa sa talunang senatorial candidate na mabibigyan na umano ng puwesto sa gobyerno, bukod kay dating Muntinlupa City Rep. Ruffino “Ruffy” Biazon na sinasabing papalit daw kay Customs Commissioner Angelito Alvarez.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply