Hustisya ba ang hatid ni Justice Sec. Leila de Lima?

MAGALING ba talagang kalihim si DOJ Sec. Leila de Lima?

Matagal nang hinahangaan ng nakararami ang kadalubhasaan ni dating attorney, naging Human Rights Commissioner at ngayo’y Justice Sec. Leila de Lima.

Matalim ang dila nito tuwing may isyu na kinapapalooban ng usaping karapatang pantao.

SAAN SUMIKAT SI DE LIMA?

Naging popular ito nang maging Chairwoman ng Commission on Human Rights na talaga nga namang maingay sa usaping karapatang pantao.

Napahanga ang taumbayan dahil para bang wala talaga itong kinatatakutan.

HILAW NA DESISYON

Pero nasaan ang hustisya nang posasan at arestuhin ng kapulisan ang mga media na nagkober sa Manila Peninsula siege?

Ang ipinalabas na desisyon ni De Lima ay ibalik sa DILG at PNP ang imbestigasyon para malaman nga talaga kung totoong nagkaroon ng paglabag sa karapatan ng mga mamamahayag.

Aba! Hindi ba’t si DILG Sec. Ronaldo Puno at PNP Chief Avelino Razon ang inirereklamo ng National Press Club sa pangyayari?

Sa madaling salita sila ang mag-iimbestiga sa sarili nila?

Base na nga sa naging pahayag natin noon ay “half baked” o hilaw ang desisyon ni De Lima.

Yan ba ang hustisya?

NAABSUWELTO SI EX-GOV. JOEL REYES

Malinaw na itinuturong mastermind sa pagpatay kay Doc. Gerry Ortega si dating Palawan Gov. Joel Reyes.

Yan ay base sa statement ng gunman.

Pero anong ginawa ng DOJ? Inabsuwelto si Reyes at ilan pa sa mga kasabwat sa kaso. Hindi ba’t probable cause lang ang hinahanap n’yo r’yan sa DOJ?

Bakit mukhang NOT GUILTY na ang ginawa n’yo BEYOND REASONABLE DOUBT?

KLIYENTE NI DE LIMA SI REYES?

Totoo po bang election lawyer kayo noon ni Gov. Reyes?

Kung totoo ho iyan, nasaan na yung tinatawag nating delicadeza?

INHIBITION SA ORTEGA CASE

Nabalitaan ng ULTIMATUM na nag-inhibit daw kayo sa kaso ni Doc. Gerry. Noong si Manila Chief Prosecutor Joe Lopez ang nag-inhibit sa kaso ng aming kapatid sa pamamahayag na si Percy Lapid ay ipinasa nito ang kaso sa DOJ para lang hindi siya mabahiran.

Bakit kayo ho bilang kalihim ng DOJ na nag-inhibit ay hindi n’yo ipinasa na lang sa Malacañang ang desisyon para hindi naman kayo mabahiran?

Nagtatanong lang po!

SUPERBODY SA MEDIA KILLINGS

Personal kayong sinadya ng mga opisyal ng National Press Club sa pamumuno ni Pres. Jerry Yap noong bagong upo pa lang kayo sa DOJ. Napag-usapan n’yo ang pagtatayo ng isang superbody para bigyang kalutasan ang walang humpay na media killings.

Sinabi n’yo pa na matutuwa si PNoy sa mungkahi ng NPC.Nasaan na yung sina-sabi n’yo? Hindi ho kaya kayo na rin mismo ang humarang sa mungkahi ng NPC dahil tatamaan ang dating kliyente n’yo?

Nasaan ang hustisya, Sec. De Lima at kelan matitigil ang pagpatay sa malayang pamamahayag?

UZI TEXT
Text ng mga UZIserong  buwisit na sa sistema!

PANAWAGAN SA ULTIMATUM

Gud eve, Sir Benny. Sir, pakitulungan mo po ako sa kaso kong 3 taon na, meron nang warrant of arrest. Saan po kita maaaring puntahan, sir, pag nakaluwas ako? Tnx and more power. Alex  Balogo  Inhobol, ng Masinloc, Zambales. ‘I can do all things thru Christ Jesus.’    +63930265…

SAGOT SA PANAWAGAN

Maaari po kayong magsadya sa National Press Club building sa Magallanes Dr., Intramuros, Manila o tumawag muna sa teleponong (02) 3109175 to 76 para ho sa kaukulang appointment.

KONTRIBUSYON SA HIGH SCHOOL

Gud pm po. Pakitawag pansin lang po sa mga namumuno sa Bugarin High Sch. Pililla, Rizal na maghinay hinay po naman sila ng paghingi ng mga kontribusyon sa mga magulang ng mga mag- aaral. Ang bawat mag-aaral ay hinihingan ng tig-400 para raw sa tubig, ilaw at iba pa, eh pawang mga mahirap lang po kami at public school po ito. Pakitago po ang numero ko at salamat po. +63922865

PAGING PNOY AT KRIS

Sir Benny Antiporda, gud pm po. Ako po si Ruel Paderes. Nais ko po sanang humingi ng tulong kay PNoy o kaya kay Mam KRIS. Kasi po,  ang buhay namin ay  patsambahan lang. Ang hanapbuhay ko ay nagbabahay-bahay lang po. Nag-aayos lang ako ng mga sirang washing machine, electric fan at iba pa. Kailangan ko lang po ng konting puhunan para sa pagpapatayo ng shop. Salamat po. +639497885836

PHIL. ARMY MALA-PAGONG

Gud pm po. Mr. Benny Antiporda. Gusto ko lang po sanang idulog sa inyo ang aking hinaing. Ako po ay empleyado ng Philippine Army na kung tawagin ay Project Hired. Nasa 1 year and 6 months na po ako rito. For contractual po ang papel ko. Napakabagal po ng usad sa Phil. Army kahit po civil service eligible ako. 1 taon na po ang papel ko ngunit wala pa rin pong magandang resulta. Kung maaari po sana ay pakikalampag ang personnel division namin. Hindi po ako nag-iisa na may ganitong hinaing. Sana po ay matulungan niyo ako. Huwag nyo sanang ilathala ang number ko. Salamat po. +63921249….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itext sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply