Iba talaga si Carlo J. Caparas!

DAHIL si AJ Perez ang orihinal na kasama sa gagawin sanang “Way Back Home,” siguradong panonoorin ng naiwanang pamilya ni AJ ang said movie. Unang-una, ipinangalan kay AJ ang karakter na dapat sana’y project nito and in fact, masaya daw ang aktor bago ito pumanaw dahil sa project na ito. “Saka ito sana ang first lead role ni AJ,” tsika sa amin ng aming source.

” Sinisigurado naming nakakaiyak ang movie, napaka-heartwarming. Isa na rin itong (Way Back Home) tribute kay AJ.” sey sa amin.

Incidentally, nasa “Happy, Yipee, Yehey” kami last Saturday nu’ng mag-guest ang buong casts sa nasabing noontime show. Sinamahan namin ni Ms. Kathy Solis, Corporate-PR -Manager ang visiting Cebu Press at kami din ay aliw na aliw sa kantang Nananana, Nanana, composed by Lito Camo. Bagay na bagay kina John Estrada at Randy Santiago ang nasabing mabilis na kanta.

Ma-memohan kaya si Lito ng kaniyang bespren dahil iginawa nito ng isang napakasayang jingle song ang mga hosts ng HYY?

—@@@—

NAG-TEXT ang kaibigan naming si Melchor Bautista, isa ring kasamahan sa panulat at nabasa raw nito ang pang-iintriga ng ilang Noranians na kesyo kaya daw nagpatawag ng preskon si Governor Vilma Santos-Recto ng Batangas ay dahil ayaw nitong matalbugan siya ni Nora Aunor, ang kaniyang karibal noon pa sa industriya.

Naririto kasi ang superstar sa bansa at gumagawa ng  pelikulang “El Presidente” with Laguna Governor ER Ejercito kaya’t nabubuhay muli ang intriga sa dalawa.

“I’m mature enough para sumakay pa sa intriga.” Nakangiting sagot ni ate Vi.

“Kaysa naman isipin ko itong mga nang-iintrigang ito, ang uunahin kong iisipin ay ang problema dito sa Batangas. Kasi, totoong-buhay ito e, walang kamera,” katuwiran pa ni ate Vi.

Ayaw na raw nitong magsalita dahil anything na sasabihin ng aktres-pulitiko ay bibigyan ng kulay. Sabi nga sa amin, “Pag meron akong sasabihing maganda sa kumare ko, sasabihan akong plastik? (pag) Meron naman akong sasabihing ‘di maganda, ang sama ng ugali ko?

“Basta, nagkausap na kami when i was in L.A. ( during In My Life premier night), manonood saana siya sa premier night doon. Unfortunately, hindi nga siya (Nora) nakarating but I met her friends,” ani ate Vi na winelkam naman nito sa premier night ang ipinakiusap sa kaniyang bisita ng superstar.

—@@@—

SABI pa ni Ate Vi, kumpara sa pulitika at showbiz, mas kakayanin daw nito ang intriga sa showbiz kaysa sa maging public servant.

” Napaka-manageable,”  daw ng intriga sa showbiz. “Politics is different, at nakikita ko, grabe!” aniya, ang mga patayan, ang death threats at ang paga-ambush sa mga pulitiko.

“Malayong-malayo ang comparison. Sa politics, kung serbisyo sa mamamayan ang gusto mo, talagang malaking sakkripisyo.” sey ng magiting na Batangas Governor.

Kaya’t sabihin mang siya’y insekyur sa presence nang sinuman, tatawanan lamang ito ng aktres na in her nearly 5 decades in showbiz, still  hindi pa rin kumukupas ang ningning nito sa takilya.

—@@@—

SA MAHIGIT na 800 nobela ni Direk Carlo Caparas, 50 sa mga ito ay binili ng Viva Films para isapelikulang muli, kumbaga mga remakes gaya ng Angela Markado, Rosenda, Maestro, Bakekang, God Save Me, Dugong Bukay, Paano hahatiin ang Puso, Tasya Fantasya, Maestro at marami pang iba.

Sa ipinatawag na preskon ng Viva sa merging ng dalawang higante sa movie industry na sina Carlo Caparas at boss Vic del Rosario, kinumpirma mismo ng dalawa ang pagsasama ng kanilang puwersa para buhaying muli ang mga klasikong obra ni Carlo J. na naging hits noong dekada ’70 at ’80.

Naroroon din sa preskon si Ms. Donna Villa at nu’ng tanungin ito kung saan nito mas gustong gawin ang mga Caparas novels?  Ani Donna, mas gamay nito ang movies. “Sa pelikula kasi, kahit hindi big hit, kikita ka pa rin,” katuwiran ng babaing nasa likod ng Golden Lions Films.

“Wala akong na-encounter na pagkalugi. Mabilis ang pacing ( ang remit ng collec- tibles) at mas merong jackpot.” and even enumerates Andres de Saya, Lahing Pikutin, Paano hatiin ang Puso, na halos mag-akyat ng milyones sa kanilang produksiyon.

May katuwuiran si Donna dahil ang mga nobelang gawa ng asawang si Carlo J. na napanood na ay meron nang followers, mga sumusubaybay dati at kahit pa remakes, marami pa ring nag-aabang sa muling pagsasapelikula. Lalo na’t iba-ibang young breed of stars din ang isasama sa mga projects na nabanggit like Angel Locsin, Cristine Reyes, Sam Pinto, Sarah Geronimo at maging ang may box-office appeal na si Vice Ganda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply