Ibang klase ang arrive ni K-La

PASADUNG-PASADO ang bagong winner ng Search for “MYX” VJ na si K-La Rivera na maging isa sa teleserye princess ng ABS-CBN. Bukod sa singing prowess niya, may potensyal din si K-La  to be a drama star, huh? And if ever, pwede siyang i-partner kay Gerald Anderson and Sam Milby na kanyang crush. “Opo, I love to do teleserye. I really love too,” smile ni K-La nu’ng makausap ng The Buzz Magasin sa presscon ng kanyang first musical play mula sa  Atlantis Productions na “In The Heights” kung saan gaganap siya bilang si Nina Rosario, ang 19 year old Stanford student.

Makakasama niya rito sina Nyoy Volante, Jackielou Blanco, ang nagbabalik Pinas na gumanap din bilang Miss Siagon sa London na si Ima Castro, Calvin Millado, Tex Ordonez, Felix Rivera, Jay Glorioso and Jimmy Marquez.

“I’m happy that everything is falling into its right place. I left Canada when I was 18 to pursue  my dreams of becoming an artist here in the Philippines. With  MYX, I’m looking forward to learn the ropes of hosting. I’m already excited to interview international and local artists, travel to different places and attend special events,” sabi ni KLa.

Mapapanood ang Tony Award winning Broadway musical na In The Heights sa Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza, Makati City from September 2 to 18. For tickets please call Atlantis Productions at 892-7078 or 840-1187.

***

NAPAKAGANDA ng naging epekto sa buhay ni Eugene Domingo ng pagsasama nila for the first time in a major role ang actress at TV host na si Toni Gonzagsa sa pelikula nila na “Wedding Tayo, Wedding Hindi” ng Star Cinema sa direksyon ni Joey Reyes.

Sobrang nagustuhan daw niya si Toni nu’ng shinu-shoot nila ang pelikula.

“Never a dull moment with her. Ah, nakakatuwa siya, e. ‘Yung mga thinking niya, mga kwento niya, ah, ‘yung support niya sa ‘yo talagang solid.

Alam mo’ng eto, kahit matapos ang pelikulang ‘to, hindi ako makakalimutan ng batang ‘to. Forever na ‘to. In fact, sa apat namin, ganu’n na ang relationship namin sa isa’t isa,” pahayag ni Eugene sa presscon ng Wedding Tayo, Wedding Hindi na showing on August 31.

Kaya naman tiniyak sa amin ni Eugene na nandu’n siya sa concert ni Toni sa Araneta Coliseum next month.

“Ay,. Hindi ako kakanta. Manonood lang ako. Day-off ko ‘yun,” natatwang sabi ni Uge.

***

MAGANDA ang mga nakuhang feedback at review sa nakaraang episode ng “Maalaala Mo Kaya” sa pagsasadula ng buhay ng Pilipinas Got Talent Season 2 winner na si Marcelito Pomoy na ginampanan ni JM de Guzman. Nakakuha ng napakataas na rating ito with more than 34%.

Kaya naman this coming Saturday evening, isa na namang katutuk-tutok na episode ang matutunghayan sa longest drama anthology on TV hosted by Ms. Charo Santos Concio. Kwento ng mag-amang parehong na-in love sa iisang babae.

Pangunguhan nina Ian Veneracion at Star Awards for Movies’ Best New Male Actor na si Martin del Rosario ang mga artistang gaganap sa mga karakter sa lifestory ng letter sender ngayong Sabado sa Maalaala Mo Kaya.

Magtatagisan ng aktingan sina Ian at Martin sa kwentong sasalamin sa top-rating drama anthology ng ABS-CBN, kaya ‘wag palampasin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply