Ibang klase si Mayor RTF ng Doña Remedios Trinidad

PAGKATAPOS ng halalan ay naglaho ang mga pulitikong dati ay pakalat-kalat sa lugar ng mga pobreng botante.

At kasamang naglaho, Suki, ang kanilang mga pangako.

Tulad ng trabaho sa mga tambay. Edukasyon sa kabataan na ang magulang ay nakalublob sa hirap at kamangmangan. At mga proyektong pangkabuhayan.

Kesarap pakinggan ng kanilang mga talumpati sa panahon ng kampanya, Suki.

Obyus man ang kaplastikan ay tuloy lang ang istratedyi na sila’y laging bisibol sa mga bo-tante. Hohum!

oOo

Normal sa katangian ng ating pulitika, Suki, ang nangangawalang pulitiko pagkatapos ng halalan.

Talunan man o lalo na ‘yung nakadenggoy ng mando sa lahi ni Juan.

C na lang U nxt election kumbaga, he-he-he!

Kaya ‘di ko sinisisi ang sinomang mawalan ng tiwala sa kanilang mga inihalal na kagawad. Kapitan, kon-sehal, vice mayor, mayor, bokal, vice governor at gobernador.

Lalo na, Suki, ‘yung mga pulitiko na madaling lapitan pero kehirap hagilapin.

oOo

Ako man ay wala nang bilib sa katapatan ng mga pulitikong nailuklok natin sa puwesto nitong nag-daang halalan.

Sagad na, Suki, ang aking pasensiya sa mga pulitikong nambusabos sa kanilang mga Boss.

Maliban lang, Suki, sa isang pangalan na bumasag sa aking hinala.

Si Mayor Ronaldo T. Flores, ng Doña Remedios Trinidad, ang huling bayan ng Bulacan sa may paanan ng bundok Sierra Madre.

Ibang klase ‘tong alkalde ng DRT na kilala sa tawag na RTF.

Hindi ko pa siya kilala, Suki. Pero maraming pahayag ang nagsabi na mahirap iwasang ‘di humanga sa mga ginawa niyang pagkalinga sa kanyang constituents. (May Karugtong)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply