IBC 13 officials binalaan sa bentahan

BINALAAN ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy ang mga opisyal ng Intercontinental Broadcasting Corporation (Channel 13) na mahaharap sa kasong graft kapag nabigong ipahinto ang joint venture agreement (JVA) para sa konstruksyon ng ilang gusali at  condominium sa lupang pag-aari ng IBC 13 na nasa Quezon City.

Ginawa ni Herrera-Dy ang babala matapos mapag-aralan na depektibo ang kasunduan o JVA sa pagitan ng  IBC-13 at RII Builders/Primestate Ventures.

Ang legal opinion ay ginawa ng Office of the Government Corporate Counsel na naatasan na magrepaso sa kontrata para sa bentahan ng may 4.1 ektaryang lupa na pag-aari ng IBC-13.
Dahil dito naghain si Herrera-Dy ng House Resolution No. 1606 na nagsusulong sa isang imbestigasyon sa JVA na ikalulugi ng gobyerno.

“Prior to the execution of the JVA, the OGCC issued an opinion holding that the said proposal and proposed text of the JVA are defective since the provisions are not compliant with NEDA guidelines on joint ventures,” ani Herrera-Dy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply