IED carrier, patay sa pagsabog, 1 pa sugatan

ISA ang patay habang isa pa ang sugatan sa pagsambulat ng isang improvised explosive device (IED) sa Kidapawan City sa North Cotabato, kanina.

Kinilala ang biktima na si Manampan Manalim na hinihinalang may dala ng pampasabog habang sugatan si Kalim Indigay.

Ayon kay PNP Spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., alas-12:05 ng hatinggabi kanina nang maganap ang pagsabog sa harapan ng National Irrigation Administration (NIA) sa Barangay Amas, Kidapawan City.

Bitbit umano ni Manalim ang ied habang naglalakad subalit hindi pa malinaw kung premature ang pagsabog nito.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply