Iggy hindi may-ari ng Jose Pidal account

INIHAYAG ni Dr. Mely Sorra, hepe ng Questioned Documents Division ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory na walang matibay na basehan na pag-aari ni Negro Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo ang Jose Pidal account.

Sa kanyang testimonya sa ginanap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na nag-iimbestiga sa maanomalyang bentahan ng lumang helicopter sa PNP, sinabi ni Sorra na tanging pirma lamang ni Jose Pidal sa isang blankong papel ang sinuri ng laboratory, at hindi tunay na dokumento.

“My finding is there are similarities (on the signatures), but my conclusion is based on my finding and the Jose Pidal and the standard signature were written by one and the same person, but my finding is not conclusive,” ayon kay Sorra.

“Walang basehan ang claim ni Iggy Arroyo na si Iggy Arroyo ang lagda na sinasabi ni Mike Arroyo. Wala po kaming sinabi na nagbigay kami ng definite recommendation but no conclusive,” dagdag ni Sorra.

Sinabi pa ni Sorra na hindi niya nakita nang personal si Rep. Arroyo na lumagda sa blangkong papel na naglalaman ng pirma ni Jose Pidal na isinumite sa Crime Laboratory para eksaminin.

“Pumirma po si Iggy Arroyo sa aming opisina and compare the same to the signature on a blank paper, but  did not saw who signed the blank paper,” ayon kay Sorra.

Si Atty. Antonio Zulueta umano ang humiling sa PNP na suriin ang lagda ni Jose Pidal na pawang abogado ni dating first gentleman Mike Arroyo.

“Kaya ko po inexamine iyon kasi mayroon po silang request at upon the instructions from our chief, S/Supt, Mosqueda,” aniya.

Nilinaw pa ni Sen. Panfilo Lacson na kung may conclusive evidence na talagang si Iggy Arroyo ang lumagda bilang Jose Pidal na sinabi ni Sorra na wala matibay na ebidensiya na nagsasabing siya nga ang may—ari ng account base sa lagda.

“Hindi conclusive, dapat ang dinala ang questioned documents ang dinala,” ayon kay Lacson.

“Opo, your honor,” giit ni Sorra.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply