Ilang istasyon ng MRT sinuspinde ang operasyon

SINUSPINDE ang operasyon ng Metro Rail Transit Authority mula sa North Avenue hanggang Shaw Boulevard bunsod ng technical problems bandang 11:30 am ng Huwebes, Agosto 4.

Ayon kay Hernando Cabrera, spokesman ng Light Rail Transit Authority, hindi apektado ng naturang aberya ang operasyon ng Shaw Boulevard papuntang Taft Avenue at Taft Avenue hanggang North Avenue.

Sinuspinde ang operasyon matapos magkaproblema sa ikinabit na automatic signalling system sa North Avenue kung saan ang nasirang equipment ay may kinalaman sa pag-dispatch ng mga tren.

Batay pa sa report sa radio, naapektuhan ang daan-daang pasahero ng MRT kung saan na-stranded sila sa kanilang biyahe.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply