Ilang kalsada sa Cagayan di na madaanan

HINDI na madaanan ang ilang lansangan sa lalawigan ng Cagayan matapos bumigay ang ilang tulay dahil sa bagyong Mina.

Nabatid kay DPWH Regional Director Nestor Marallag sa panayam sa radyo na hindi na ngayon madaanan ang Abusag at Bagunot Bridge sa bayan ng Baggao Cagayan, Tawwi Bridge at Pinacanauan over flow bridge sa bayan ng Peñablanca, Cagayan at ilang lansangan sa bayan ng Solana, Cagayan.

Samantala, normal pa rin naman ang daloy ng trapiko patungo at palabas ng kalakhang Maynila at maging ang papasok at palabas sa probinsya ng Ilocos Sur.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply